Thursday, November 5, 2009

Estudyante

Asar ako sa iyo
Kaibigang puno ng hangin sa katawan
Utak mo'y walang laman
Magaling ka lang sa kopyahan

Ang galing mong pumorma
Akala mo'y matalino ka
Pero naghihintay ka lang ng grasya
Mula sa iyong mga kasama

Ang galing mong magkalkula
Lalo ng numerong nasa gitna ng bola
Pero pag tatanungin ka
Napaka pilosopo mo pa

Ipinananalangin ko
Sana'y magbago ka sa diskarte mo
Kung sa daang iyong tinatahak ay di ka papipigil
Sige magpatuloy ka, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa...