Showing posts with label icct. Show all posts
Showing posts with label icct. Show all posts

Friday, May 28, 2010

Si CD at ang ICCT Family...

Hanapin ninyo si CD sa picture na nasa ibaba... nakakamiss din pala ang ICCT kahit na mahirap ang magtrabaho dito.
Nakaka miss dahil sa mga taong nakasama ko sa trabaho na hindi ako nakalimutan kahit kailan. Yung mga kulitan at pagdadamayan, asaran at kasayahan... Yung mga taong totoo na kahit na matagal na panahon na ang nakalipas, kapag nakita ka sa mall sa hihinto para kausapin ka!

Thursday, November 5, 2009

Estudyante

Asar ako sa iyo
Kaibigang puno ng hangin sa katawan
Utak mo'y walang laman
Magaling ka lang sa kopyahan

Ang galing mong pumorma
Akala mo'y matalino ka
Pero naghihintay ka lang ng grasya
Mula sa iyong mga kasama

Ang galing mong magkalkula
Lalo ng numerong nasa gitna ng bola
Pero pag tatanungin ka
Napaka pilosopo mo pa

Ipinananalangin ko
Sana'y magbago ka sa diskarte mo
Kung sa daang iyong tinatahak ay di ka papipigil
Sige magpatuloy ka, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa...